Add parallel Print Page Options

40 Kung(A) paanong winasak ng Diyos ang Sodoma at Gomorra at ang mga karatig-bayan ng mga iyon, sabi ng Panginoon, gayon walang sinumang maninirahan doon, at walang anak ng tao na titira doon.

41 “Narito, isang bayan ay dumarating mula sa hilaga;
    isang makapangyarihang bansa at maraming hari
    ang gigisingin mula sa pinakamalayong bahagi ng lupa.
42 May hawak silang busog at sibat;
    sila'y malulupit, at walang awa.
Ang kanilang tinig ay gaya ng hugong ng dagat,
    at sila'y nakasakay sa mga kabayo,
nakahanay na gaya ng isang taong makikipagdigma
    laban sa iyo, O anak na babae ng Babilonia!

Read full chapter